Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito na umaabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 160 kilometro bawat oras.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Falcon sa layong 885 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Inaasahang kikilos ito ng pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Ang hanging habagat pa rin ang nakakaapekto sa Luzon at western Visayas.
Mga pag-ulan na dala ng habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ay mararanasan sa Metro Manila, mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Gitnang Luzon, CALABARZON at Mimaropa.
By Mariboy Ysibido
Source: PAGASA