Pinatitigil ng Food and Drug Administration o FDA ang isang pharmaceutical company at isang drug store chain mula sa pagsasagawa ng immunization activities.
Ayon kay FDA Director Nela Charade Puno, ito ay dahil hindi naman pinayagan ang mga kumpanyang Sanofi Pasteur Incorporated at Watson’s Personal Care Stores para magsagawa ng pagbabakuna sa kanilang mga tindahan.
Kasabay nito, pinagpapaliwanag din ang mga naturang mga kumpanya kung bakit hindi sila dapat na sampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa kanilang naging paglabag.
Una rito ay inanunsyo ng Watson’s na magsasagawa sila ng immununization activities para sa dengue vaccine na dengvazia na gawa ng sanofi.
Tinukoy ng FDA na hindi dapat na over the counter lamang ang pagbili ng naturang dengue vaccine sapagkat ito ay itinuturing na prescription drug para sa edad 9 hanggang 45.
By Rianne Briones