Bukas si UN Special Rapporteur Agnes Callamard na magsagawa ng official visit sa Pilipinas basta’t aalisin lang ng gobyerno ang mga kondisyong inilatag nito noon sa kanya.
Sa panayam ng mga mamamahayag sa isang forum sa UP Diliman, sinabi ni Callamard na naghihintay lang siyang tanggalin ang mga tatlong kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga kondisyon ay dapat makipagdebate si Callamard sa Pangulo, dapat din puymayag si Callamard na matanong siya ni Duterte at gawin ito under oath.
Ayon kay Callamard gusto niya sanang isama ang UN Special Rapporteur for Health sa Pilipinas para makatulong sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalusugan at sa pagpigil sa extrajudicial killings o EJK.
Mga batikos kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard balewala lang
Balewala lang kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard ang mga natatanggap niyang batikos mula sa Malakanyang at sa kanyang mga bashers dahil sa kanyang ginawang academic visit dito sa Pilipinas.
Ayon kay Callamard sanay na siya sa mga batikos at mga puna.
Pero nalulungkot anya siya na mas pinapansin pa ng publiko ang ligalidad ng kanyang byahe sa Pilipinas kaysa sa kanyang pangunahing pakay sa pagbisita na magbahagi ng kanyang nalalaman sa usapin ng karapatang pantao.
Ayon kay Callamard, sa halip na mambatikos sana’y tumutok na lang ang publiko sa talakayan sa dinadaluhan niyang forum sa UP Diliman kung saan ibinabahagi ng mga eksperto mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga alternatibong paraan sa pagsugpo sa iligal na droga sa isang bansa na maari anyang magamit ng Pilipinas.
By Jonathan Andal