Nagpahayag ng pagkalungkot ang Malacanang sa pagkamatay ng dalawa katao sa magkasunod na insidente ng pagsabog sa Quiapo , Manila kagabi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hangad ng palasyo ang mabilis na recovery ng mga nasugatan sa insidente.
Nanawagan ang kalihim sa publiko na maging alerto at agad ireport sa mga otoridad ang mga mapapansing may kahina-hinalang kilos sa kanilang komunidad.
Hinikayat din ni Secretary Abella ang mamamayan na iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong mga impormasyon para hindi makapagdulot ng pangamba at panic.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naganap na insidente.
By: Aileen Taliping