Kakasuhan ng Metro Manila Development Authority ang mga opisyal ng barangay na nagbapabaya at walang ginawa para ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa mga waterways na nalinis na ng ahensiya.
Ayon kay Atty. Victor Nunez, MMDA Liaison Officer for Govt. Agencies, isusunod nilang kasuhan ang mga barangay chairmen na walang ginawa para pangalagaan ang waterways at hinayaang tambakan ng basura ng kanilang mga constituents.
Apat na barangay chairmen ang nakatakdang kasuhan nila sa Office of the Ombudsman sa susunod na linggo dahil sa “neglect of duty” dahil sa kabiguang panatilihin ang kalinisan sa mga waterways.
Nauna ng kinasuhan ng MMDA ang pitong barangay chairmen mula sa Quezon City at Paranaque City dahil naman sa pagiging inutil na linisin ang mga kalye laban sa mga obstruction at illegal na nakaparadang mga sasakyan.
By: Aileen Taliping