Bumaba ng dalawang porsiyento ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Marso subalit maituturing na mataas pa rin ito ayon sa Social Weather Stations.
Batay sa survey na ginawa mula March 25-28 nakakuha ang Pangulo ng +70 %, kumpara sa +72% nito noong December 2016.
Pero ayon sa SWS, maituturing pa rin itong excellent katulad ng nakalipas nitong survey simula May 2016.
Nanatili ang mataas ang tiwala sa Pangulo sa urban areas.
Binigyang-diin ng SWS na magkaiba ang trust rating sa satisfaction rating
Dahil ang tiwala ay nasusukat sa kabuuang personalidad habang ang satisfaction rating ay tinatanong ang publiko batay sa performance ng kanyang posisyon o trabaho.
By: Aileen Taliping