Mas maraming estudyante sa Senior High School ang inaasahan ng Department of Education o DepEd ngayong pasukan.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Programs and Projects Dina Ocampo, tinatayang isa punto limang (1.5) milyong mga mag-aaral na naka-graduate sa Grade 10 ang papasok sa Senior High School.
Bilang paghahanda ay patuloy naman ang pagkuha ng DepEd ng dagdag na mga guro para sa grade 11 at 12.
Sinisimulan na rin aniya ang pagde-deliver ng mga kagamitan kakailanganin tulad ng mga libro at iba pang teaching materials at equipment partikular para sa mga subject ng science at math.
Taong 2018 ay inaasahan ang pagtatapos ng unang batch ng Senior High School graduate kasunod ng pagpapatupad ng K to 12 program noong 2016.
By Rianne Briones
Mas maraming Senior High students inaasahan ngayong pasukan was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882