Humirit ng permiso sa Sandiganbayan si Congressman Wes Gatchalian para makabiyahe sa labas ng bansa.
Sa kanyang urgent motion for permission to travel, hiniling ni Gatchalian na payagan syang makasama sa biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte mula Mayo 11 hanggang 15.
Nakapaloob sa mosyon ni Gatchalian na binigyan na siya ng authority to travel ng pamunuan ng kongreso.
Kabilang sa mga bansang bibisitahin ng Pangulo sa susunod na linggo ang Cambodia, Hongkong at China.
Isa lang si Congressman Wes Gatchalian sa mga kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa di umano’y kuwestyonableng pagbenta ng kanilang pamilya ng kanilang bangko sa Local Water Utility Administration nang walang pahintulot ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Finance (DOF).
By Len Aguirre