Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia, Hongkong at China, simula sa Miyerkules.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, dadalo si Pangulong Duterte sa world Economic Forum for ASEAN sa May 10 hanggang 11.
Inaasahang magsasalita ang Pangulo sa naturang pulong kasama ang dalawampu’t lima (25) pang Heads of State.
Matapos nito ay lilipad si Duterte sa Hongkong upang kumustahin ang mga Overseas Filipino at saka di-diretso sa Tsina sa May 13 upang dumalo naman sa “One Belt, One Road Forum” na tatagal ng tatlong (3) araw.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping