Tumataas ang panganib na magkaroon ng HIV-AIDS ang mga taong gumagamit ng iligal na droga lalo ang mga nakikipag-share ng hiringgilya.
Ito’y batay sa pag-aaral ng Dangerous Drugs Abuse Program o DDAP ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Dr. Jasmin Peralta, program manager ng DDAP, karaniwang na-e-engganyo ang mga drug user na makipag-sex kapag sila ay “high” dahil nawawala ang kanilang “sense of judgment”.
Karaniwan din anyang hindi gumagamit ang mga ito ng anumang uri ng proteksyon kaya’t nagiging lantad sa mga sexually transmitted infection.
Bukod dito, maaari ring mailipat ang HIV mula sa residue ng dugong naiwan sa hiringgilya sa susunod na “drug” user.
Sa pagtaya ng World Health Organization (WHO), nasa labintatlong (13) milyong katao ang nag-i-inject ng drugs at isa punto pitong (1.7) milyon sa mga ito ay mayroong HIV dahilan upang kumalat ang nabanggit na sakit.
By Drew Nacino