Itinalaga ng Malakanyang si Nestor Espenilla bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Papalitan ni Espenilla si outgoing BSP Governor Amando Tetangco Jr.
Si Espenilla ay nagsilbing BSP Deputy Governor sa loob ng 6 na taon.
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Espenilla sa 15th cabinet meeting na ginanap sa Malakanyang kahapon.
Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na ang pagpili ng bagong BSP Governor ang isa sa mga importanteng appointment na ginawa ng Pangulo.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping