Idinepensa ng Philippine delegation sa harap ng United Nations Human Rights Council ang mga nagaganap na patayan sa bansa kasunod ng kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte administration.
Pinangunahan ni Senador Alan Peter Cayetano at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang pagharap sa halos isang daang (100) kinatawan ng iba’t ibang bansa na miyembro ng UN.
Dito ay iginiit ni Cayetano na mataas ang pagrespeto ng pamahalaan sa karapatang pantao.
Sinabi ni Cayetano na hindi state sponsored ang mga nangyayaring pamamaslang sa halip ay resulta ito ng mga krimen na ginagawa ng mga gumagamit ng iligal na droga.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senator Alan Peter Cayetano