Ilang oras naantala ang operasyon ng social media giant na Facebook sa South-East Asia kabilang sa Pilipinas; Australia, New Zealand, Japan, West Coast ng Estados Unidos at ilang bahagi ng Canada, umaga ng Martes.
Dakong 7:00 nang mahirapan ang mga Facebook user na i-access ang kanilang mga account.
Makalipas ang mahigit dalawang oras ay naibalik na sa normal ang nabanggit na social media platform.
Wala pang paliwanag ang Facebook kung ano ang naging sanhi ng pag-crash ng kanilang platform sa mga nabanggit na lugar.
By Drew Nacino