Inamin ni Senador Bam Aquino na bahagyang naapektuhan ang kredibilidad ng CA o Commission on Appointments dahil sa ipinatupad na secret voting system.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa“, sinabi ni Aquino na ito ang nag-udyok sa kanya para maghain ng resolusyon sa CA na humihiling na repasuhin o amyemdahan ang alintuntunin hinggil sa secret voting.
Sa harap na rin ito ng pagpuna ng ilan sa kawalan ng transparency sa ginawang botohan sa pagkakabasura ng CA sa appointment ni dating DENR Secretary Gina Lopez dahil hindi tugma ang bilang ng boto at ng mga inanunsyong boto ng senador.
Si Aquino, na miyembro ng CA ay bumoto ng “yes” sa confirmation ni Lopez.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senador Bam Aquino
Kasabay nito, sinabi rin ni aquino na wala siyang alam na may umikot na lobby money sa confirmation ni lopez.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senador Bam Aquino sa panayam ng DWIZ
By Meann Tanbio | Balita Na Serbisyo Pa (Interview)