Lusot na sa Senate Committee on Public Services ang panukalang batas na naglalayong gawing limang taon ang validity period ng drivers license mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Ayon kay Senador Grace Poe, gagawa na sila ng committee report para maisalang na sa deliberasyon sa plenaryo ang nasabing panukalang batas.
Target aniya nila na maipasa ito ngayong buwan bago mag-adjourn sine die ang sesyon ng Kongreso.
Bagamat may pinalabas ng Executive Order para gawing limang taon ang validity period ng drivers license, ayon kay Poe, mas maganda na may maipasang batas para maging permante na ito
Layunin ng panukala na mabawasan na ang gastos sa panig ng gobyerno at maging ng mga motorista at mabawasan ang pagpila sa Land Transportation Office.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno