Idadaan sa proseso ang mungkahi ng United Nations review na dapat kumilos ang gobyerno para busisiin ang EJK o Extra-Judicial Killings sa bansa.
Kasunod ito ng mas maraming nakuhang boto sa UN para imbestigahan ng gobyerno ng Pilipinas ang umano’y maraming bilang ng EJK.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na may prosesong pagdadaaanan ng mungkahi kaya’t makakaasang titingnan ito ng gobyerno.
Kasabay nito binigyang-diin ni Abella na tila hindi narinig ng mga nasa UN ang report ng Philippine Delagation dahil inilahad ni Senador Allan Peter Cayetano ang report na mas marami ang bilang ng mga namatay noong nakalipas na administrasyon mula 11,000- 16 thousand pero bakit hindi ito naimbestigahan ng UN o ng Commission on Human Rights.
Sinabi pa aniya sa report ni Cayetano na hindi naikumpara ang bilang ng mga namatay noong Aquino Administration at sa kasalukuyan dahil binago ng mga kritiko ang definition ng EJK at nilinlang ang publiko na mayroong biglaang pagtaas ng bilang ng mga state sponsored na mga pagpatay.
Kabilang sa mga kritiko ng Duterte Administration ay ang CHR, mga senador, at ilang grupong ang intensiyon ay sirain ang kasalukuyang administrasyon.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping