Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Margaux Justiniano Uson o mas kilala bilang Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng PCOO o Presidential Communications Operations Office.
Pirmado ni Pangulong Duterte ang appointment ni Mocha na may petsang May 8, 2017.
Una nang itinalaga si Mocha bilang board member ng MTRCB noong Disyembre 2016.
Pero, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na dahil may bagong posisyon si Mocha, hindi na ito konektado sa MTRCB.
Inaasahang makakahalubilo ni Mocha sa Malacanang ang mainstream media na naunang tinawag nitong mga “Presstitutes”.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na si Uson ay magiging Asst. Secretary for Social Media ng PCOO dahil ito ang forte nito.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping