Patay ang labing dalawa (12) katao kabilang ang limang (5) bata at sugatan ang tatlumpung (30) iba pa sa pagsabog sa isang bahay na imbakan ng mga paputok sa Central Mexico.
Nangyari ang naturang pagsabog sa San Isidro, Chilchotla sa kasagsagan nang paghahanda para sa isang local festival sa susunod na linggo.
Ayon sa mga awtoridad ang sinindihang paputok ng isang lalaking nasa labas ng bahay ay bumagsak mismo sa area kung saan naroon ang iba pang paputok na naging dahilan nang pagsabog.
Kaagad nasawi ang siyam (9) katao at tatlo (3) naman ang namatay matapos isugod sa mga kalapit na ospital.
Magugunitang noong Disyembre ay tatlumpu’t lima (35) katao ang nasawi sa serye ng malalakas na pagsabog na sumira sa isang fireworks market sa labas ng Mexican capital.
By Judith Larino
12 katao patay sa pagsabog ng imbakan ng paputok sa Central Mexico was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882