Patuloy na bineberipika ng PNP o Philippine National Police ang impormasyon hinggil sa di umano’y planong pagdukot sa mga dayuhang nasa Palawan.
Tiniyak ito ni Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP kasunod ng inilabas na travel advisory ng United Kingdom at Canada para sa kanilang mga kababayan na iwasan munang magtungo sa Palawan kabilang na ang Puerto Princesa City.
Tiniyak ni Carlos na nakapaglatag na sila ng seguridad sa Palawan makaraang matanggap ng impormasyon mula sa US Embassy.
Matatandaan na ang US Embassy ang naunang naglabas ng kanilang babala sa lahat ng kanilang mamamayan na iwasan muna ang Central Visayas, lalo na ang Bohol at Cebu dahil sa bantang kidnapping ng mga teroristang grupo.
Dalawang araw matapos ilabas ng US Embassy ang babala ay napasok na ng Abu Sayyaf ang Bohol.
By Len Aguirre
Seguridad sa Palawan tiniyak ng PNP was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882