Nakipagpulong ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon sa Palasyo ng Malakanyang.
Nagsisilbing peace consultant ng National Democratic Font of the Philippines o NDFP ang mag-asawang Tiamzon na kabilang sa mga napalaya upang makalahok sa pag-uusap.
Bukod sa mag-asawang Tiamzon, kasama rin sa pulong si NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoli.
Gayunman, wala pang inilalabas na detalye ang Malakanyang kung ano ang napag-usapan sa pulong.
Sa Mayo 27 hanggang sa unang araw ng Hunyo nakatakda ang ika-5 round ng pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at NDFP sa the Netherlands.
By Len Aguirre |With Report from Aileen Taliping