Lusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang panukalang National ID System.
Layon nito na magkaroon na lamang ng iisang government ID ang bawat Pilipino.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat Pilipino na may edad 18 pataas ay obligadong kumuha ng National ID.
Libre itong ibibigay ng gobyerno sa unang pagkakataon subalit may kaukulang bayad kapag magpapa-reissue ng ID.
Inaatasan sa panukalang batas ang Philippine Statistics Authority o PSA na syang maging repository o tagapangalaga ng lahat ng personal na datos para sa National ID at bawal itong ilabas nang walang permiso.
Sinuman ang magbigay ng maling impormasyon ay maaring makulong ng mula 6 na buwan hanggang dalawang (2) taon at magmulta ng mula animnapung (60) libo hanggang dalawandaang (200) libong piso.
Ang panukalang National ID ay idi-diretso na sa House Appropriations Committee upang mapondohan bago i-akyat sa plenaryo.
By Len Aguirre