Dapat payagan na ng pamahalaan na mag imbestiga sa alegasyong mga extra judicial killings o EJK si UN Rapporteur Agnes Callamard.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, ganito ang tamang attitude kung wala namang itinatago ang Pilipinas at walang katotohanan ang mga paratang na EJK.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag makaraang batikusin ng maraming bansang kasapi ng United Nations Human Rights Committee ang anila’y hindi nakabase sa reyalidad na report ng Pilipinas sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno