Nasorpresa si Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa pagpapakilala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Año, na bagamat may mga pag-uusap na noon na bibigyan siya ng posisyon sa gabinete oras na magretiro siya sa militar ngayong Oktubre, hindi aniya niya inakala na ngayon na agad ito iaanunsyo ng Pangulo.
Ayon kay Año, hindi pa niya tiyak kung kailan siya papasok sa DILG at naka-depende a ito sa kagustuhan ng Pangulo.
Sakaling ipag-utos aniya ng Presidente na simulan na niya ang trabaho sa DILG bago mag-Oktubre, handa siyang mag-early retirement sa military service.
Idinagdag pa ni Año, na maghahanda na siya sa kanyang bagong posisyon, pero tiniyak na tututukan muna niya ang mga trabaho sa AFP.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal