Komporme si Senador Panfilo Lacson sa plano na gawing state witness si Janet Lim Napoles kung ang layunin nito ay hindi para magamit sa politika, sa halip ay para mapanagot ang iba pang sangkot sa Pork Barrel Fund Scam pero nakalusot at hindi nakasama sa mga kinasuhan.
Sa tingin ni Lacson, mayroon pang dapat nakasama sa mga kinasuhan sa PDAF Scam ang nakalusot, kung pagbabatayan ang mga impormasyon at listahang ibinigay sa kanya noon ni Napoles.
Gayunman, tumanggi si Lacson na tukuyin kung sino ang mga politiko na kasama sa listahan ni Napoles na hindi kabilang sa nakasuhan .
Nasa kamay aniya ng korte ang pagpapasya kung uubrang maging state witness si Napoles.
Nangangamba rin si Lacson na sa oras na magsimula nang magturo si Napoles ng iba pa sangkot sa PDAF Scam ay baka madagdagan ang mambabatas na makukulong sa Camp Crame at may posibilidad na malipat ang quorum sa krame sa halip na sa Senado at baka roon na sila magsagawa ng roll call.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno