Nasa Cambodia na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pagdalo sa WEF o World Economic Forum.
Si Duterte ay isa sa mga guest of honor sa WEF.
Inaasahang ilalahad ng Pangulo ang development roadmap ng Pilipinas, partikular ang “build build build” na kapapalooban ng mga major infrastructures sa buong bansa.
Maliban sa Cambodia, nakatakda ring bumisita si Pangulong Duterte sa Hong Kong para kumustahin ang mga OFW’S, saka didiretso sa China para sa “belt and road forum for international cooperation”.
By: Meann Tanbio