Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matiyak lamang na mapipigilan nito ang pagpasok ng mga terorista sa Pilipinas.
Ito ang ginawang pagtitiyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr bilang reaksyon sa ulat na may pito hanggang walong miyembro umano ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang namataang nasa bansa na.
Ayon kay Esperon, kaagapay ng Pilipinas ang mga bansang Malaysia at Indonesia sa pagsumpo sa terorismo partikular na sa mga karatagang nasasakupan ng mga nasabing bansa.
Magugunitang isang Indonesian umano ang namataan na kasama ng Abu Sayaf leader na si Isnilon Hapilon na nakapasok sa bansa nuong Marso habang mayruon pang apat na Indonesian din ang sumali sa mga bandido kabilang na ang Maute Group.
By: Jaymark Dagala