Matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang midyear bonus simula sa Mayo 15.
Ayon sa Department of Budget and Management o DBM, ang naturang bonus ay katumbas ng isang buwang sweldo ng mga kawani maging regular, contractual, appointive o elective, full time o part time na empleyado ng pamahalaan.
Makakatanggap cash incentive ang mga empleyado sa ilalim ng executive, legislative, judiciary, constitutional commission and offices at state universities and colleges.
Desisyon naman ng governing boards ng GOCC o Government Owned and Controlled Corporations at municipal at city council kung magbibigay ng midyear bonus kanilang mga empleyado.
By Rianne Briones
Midyear bonus matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882