Bumaba ang trust rating ni Vice President Leni Robredo sa unang quarter ng taong ito.
Ayon sa survey ng SWS o Social Weather Stations, 55% ng mga Pilipino ang nagsabing may “much trust sila kay Robredo, 25% ang mayroong ‘little trust’ at 20% ang undecided.
Dahil dito, ang net trust rating ni Robredo ay good plus 30 o 15 points na mababa mula sa plus 45 na nakuha nito noong December 2016 kung saan 62% ng respondents ang nagsabing may ‘much trust’ sila sa Bise Presidente at 18% ang ‘little trust’.
Isinagawa ang naturang survey noong March 25 hanggang 28 gamit ang face to face interviews sa 1, 200 respondents sa buong bansa.
By Judith Larino
Trust rating ni VP Leni Robredo bumaba—SWS was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882