Aarangkada na sa Lunes, Mayo 15 ang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Congressman Rey Umali, chairman ng komite, nakapagpadala na siya ng notice sa lahat ng miyembro ng komite para sa pagdinig.
Una anya nilang aalamin kung tama ang balangkas o porma ng impeachment case bago busisiin kung mayroon itong sapat na basehan.
Ang impeachment complaint laban sa Pangulo ay inihain ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano.
Inakusahan ni Alejano ang Pangulo ng paglabag sa saligang batas, bribery, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pang high crimes.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Rey Umali
Samantala, sinabi ni Umali na malabo pang dinggin ng komite ang impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo dahil wala pa rin itong endorser hanggang sa kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Umali na mayroong sampung (10) session days ang Speaker of the House para ipadala sa committee ang justice ang reklamo laban kay Robredo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Rey Umali