Pursigido ang Pilipinas na makahikayat ng mas maraming foreign investors upang maging bahagi ng ambisyosong infrastructure program ng Duterte administration.
Ito, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for International Economic Affairs Manuel Antonio Teehankee, ang unang ng international launching ng Build, Build, Build Program o Dutertenomics.
Sa pagharap ni Teehankee sa World Economic Forum sa Cambodia, inihayag nito na nakatutok ang economic agenda sa pagbuhos ng hanggang 8.2 trillion pesos upang mapondohan ang mga infrastructure project sa susunod na anim (6) na taon kabilang ang 860.7 billion pesos na inilaan para sa mga malaking proyekto ngayong taon.
Kabilang anya sa mga nagpahayag ng interes ang China, Japan, South Korea, Malaysia at Singapore.
By Drew Nacino