Tiwala si Senador Francis Escudero na balanse ang komposisyon ngayon ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa mga nakalipas na administrasyon.
Ito’y sa harap na rin ng pagpuna ng ilang grupo sa tila militarisasyon sa gabinete dahil sa pawang mga retirado at kasalukuyang heneral ang itinatalaga sa mga kagawaran.
Ayon kay Escudero, wala siyang nakikitang masama sa pagtatalaga ng Pangulo sa mga dating opisyal ng militar at pulisya sa iba’t ibang puwesto sa gubyerno.
Matagal na aniya itong ginagawa ng mga nakalipas na administrasyon ngunit ang pinagkaiba lamang ngayon ay kasama na rin ang mga maka-kaliwa sa pamamahala sa bayan.
By: Jaymark Dagala