Kumpiyansa ang DOJ o Department of Justice na lalo pang tataas ang remittance rate ng kita mula sa STL o Small Town Lottery ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ito’y makaraang i-anunsyo ng DOJ na lalong dumarami na ang mga lugar na nagre-remit ng kanilang kita mula sa STL na pumalo sa 56 mula sa dating 18 lugar lamang.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, indikasyon lamang ito na tumatalima na ang mga STL operator sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga iligal na sugal tulad ng jueteng.
Nakasaad sa inilabas na Executive Order Number 13 ni Pangulong Duterte, tanging ang PCSO lamang aniya ang binibigyan ng kapangyarihan ng pamahalaan na magpatakbo ng numbers game.
By: Jaymark Dagala