Tiwala ang isang mambabatas na malaki ang maitutulong ng pagpapatupad ng National ID System sa paglaban ng pamahalaan sa terorismo.
Ayon kay Compostela Valley 2nd District Rep. Ruel Gonzaga, sa pamamagitan aniya ng National ID ay mapapadali na ang pagkilala sa mga hindi pamilyar na tao na papasok sa isang komunidad.
Madali na rin aniyang mati-trace at maiwasan ang mga terorista lalo’t centralized na ang pagkalap ng impormasyon ng bawat isang indibiduwal.
Una nang nakalusot sa committee level sa Kamara ang nasabing panukala na limang kongreso nang inihahain ngunit bigo pa ring maipasa ng mga mambabatas.
By: Jaymark Dagala