Pinag-aaralan na ng DOLE o Department of Labor and Employment ang posibleng pagpapatigil sa pagpapadala ng mga manggagawang pinoy sa Middle East.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay dahil sa dami ng tinatanggap na reklamo ng pag-abuso at ilan pang labor maltreatment sa mga OFW o Overseas Filipino Workers partikular ang mga household workers.
Aniya, kung hindi man tuluyang ititigil ang pagpapadala ng mga OFW ay posible pa rin ang pagbawas sa bilang ng mga ipinapadalang manggagawa sa Gitnang Silangan.
Una nang tinukoy ng grupong Migrante Internatonal na higit limang libo (5,000) ang bilang ng mga distressed OFW sa Middle East habang sa Kuwait naman naitala ang pinakamaraming naabuso.
By Rianne Briones
Pagpapadala ng mga OFW sa Middle East posibleng ipatigil was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882