Nanawagan ang ilang environmental group kay bagong DENR o Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na ituloy ang repormang sinimulan ni dating kalihim Gina Lopez.
Ito ay sa gitna ng pahayag ni Cimatu na papayagan nito ang responsible mining.
Ayon sa Green Thumb Coalition, panatilihin at palawigin pa ang mga repormang inilunsad ni Lopez partikular na ang pagpapasara at suspensyon na ipinataw nito sa ilang mining companies.
Hindi mapigilan ng grupo na mangamba lalo’t ang tono umano ni Cimatu ay tila pabor sa mga kumpanya ng minahan.
Kaugnay nito, handa umano ang grupo na kausapin si Cimatu upang kumbinsihin itong hindi baguhin ang ang naging kautusan ni Lopez.
By Rianne Briones
*Palace Photo