Dumistansya ang kampo ni Janet Lim Napoles sa ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na posibleng kinukupkop ng isang tao o grupo ang kapatid nitong si Reynald Lim, kapwa akusado ni Napoles sa kasong serious illegal detention.
Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, wala namang binabanggit sa kanya ang kanyang kliyente tungkol sa kanyang kapatid.
Dapat anyang maghain na ng mosyon ang mga abogado ni Lim upang maisara na rin ang kanyang kaso makaraang ma absuwelto na si Napoles na syang principal sa kaso.
Una rito, sinabi ni Aguirre na posibleng itinatago ng isang tao o grupo si Lim upang pigilan itong magsalita ng kanyang nalalaman sa PDAF scam.
“Kasi wala nang reason para magtago pa siya [si Lim] o unless yung sinasabi mo na hostage din siya pero hindi ko alam ganun, wala siyang [si Napoles] sinasabi na ganun…wala…wala…”, bahagi ng pahayag ni David sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)