Pinababaligtad ni U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa court Of Appeals ang desisyon nito na pabor sa kanyang conviction kaugnay ng pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong October 2014.
Naghain ang kampo ni Pemberton ng motion for reconsideration sa C.A. sa pamamagitan ni Atty. Rowena Garcia-Flores noong 26 ng abril.
December 2014 nang mahatulan si Pemberton na makulong ng 6 hanggang 10 taon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.
Una nang iginiit ni Pemberton na self-defense ang nangyari nang sampalin siya ni Laude matapos niyang matuklasan na hindi ito babae.
Kasalukuyang nakakulong si Pemberton sa isang restricted facility sa Camp Aguinaldo.
By: Meann Tanbio