Walang balak ang Senado na magpatawag ng special elections para sa magiging kapalit ni Senador Alan Peter Cayetano matapos itong maitalaga bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Senate President Aquilino “koko” Pimentel, hayaan na lamang na mapalitan ang seat ni Cayetano sa Senado sa magaganap na halalan sa 2019.
Hinikayat din ni Pimentel ang Commission On Elections na paghandaan na lang ng maaga ang naturang halalan.
Samantala, maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon ay nagsabing impraktikal at magastos ang pagpapatawag ng special elections para lang maghalal ng isang Senador na dalawang taon na lamang ang natitirang termino.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno