Nakikita na ng Kapuso Actress na si LJ Reyes na makakasama nya sa pagtanda ang boyfriend na si Paolo Contis.
Ayon kay LJ, malalim at mature na ang kanilang relasyon ni Paolo at maituturing na nasa ibang level na lalo’t magkasundo naman nito ang anak nyang si Aki.
Pwede na nga raw sabihin na kasal na lang ang kulang ngunit hindi pa pwede sa ngayon dahil nasa proseso pa ang unang marriage ni Paolo.
Sa ngayon ay i – eenjoy na lang daw muna nila ang isa’t isa hanggang sa dumating ang pagkakataon na mabigyan sila ng tiyansang lumagay sa tahimik.
Si LJ ay may anak sa Aktor na si Paulo Avelino habang si Paolo naman ay mayroong dalawang (2) anak sa dating asawa nitong si Lian Paz.
By Rianne Briones
Photo Credit: LJ Reyes Instagram Account