Idineklara ng santo at santa ni Pope Francis ang dalawa sa tatlong batang pastol na saksi sa mga aparisyon at prediksyon ng birheng Maria, mahigit isandaan taon na ang nakalilipas, sa Fatima, Portugal.
Libu-libong deboto ang dumagsa para sa canonization nina Fransisco at Jacinta Marto sa Basilica ng Santuario de Fatima kung saan sila inilibing.
Dalawang malaking larawan naman ng mga batang pastol ang isinabit sa harap ng basilica.
Taong 1919 nang pumanaw si Fransisco sa edad na siyam dahil sa influenza habang namatay si Jacinta noong sumunod na taon sa kahalintulad na sakit.
Idineklara namang “Servant of God” ang pinsan nina Marto na si Sister Lucia Dos Santos noong 2008 at naghihintay na lamang ng beatification o isang hakbang bago maging santo.
Taong 2005 nang pumanaw si sister Lucia sa edad na siyamnapu’t pito walong dekada matapos pumasok sa convento bilang Carmelite nun.
By Drew Nacino (Photo Courtesy: AFP)
Magkapatid na pinagpakitaan ng birheng Maria sa Fatima, Portugal idineklara ng santo was last modified: May 14th, 2017 by DWIZ 882