Bigo pa rin ang mga otoridad na matukoy ang kinaroroonan ng dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group na nagtatago pa rin sa Mangrove swamps sa Pangangan Island sa Calape, Bohol.
Ayon sa ulat, posibleng tumakas mula sa kordon ng militar ang dalawa sa pamamagitan ng paglangoy.
Naipit ang dalawang ASG members sa mangrove forest na sinusuyod ngayon ng militar para sila’y tugisin.
Nilibot din ng Philippine Navy ang Pangangan Island para masigurong hindi makakatakas ang mga bandido.
Iginiit ng militar na delikado pa rin ang dalawang nasabing ASG members dahil armado sila ng mga pistol at granada taliwas sa pahayag ng pulisya na wala nang banta ang dalawa sa mga residente.
By: Meann Tanbio