Matapos ang serye ng rollback, asahan na ang pagmahal sa presyo ng gasolina sa loob ng linggong ito.
Tinatayang maglalaro sa 25 hanggang 35 sentimos ang umento sa kada litro ng gasolina.
Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.
Ang naturang oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.
By: Meann Tanbio