Pinagaan ang proseso ng mga magtatrabaho sa ibang bansa makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Overseas Filipino Workers sa Hongkong na aalisin na ang requirement na Overseas Employment Certificate .
Bago magtapos ang talumpati nito sa Filipino Community sa Hongkong kagabi ay ipinaalala sa kanya ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pag-aalis sa OEC.
Isang paraan aniya ito para mapagaan ang proseo ng mga Pilipinong nangingibang bansa para magtrabaho.
Batid ng Pangulo na maraming hinihingi ang mga ahensiya ng gobyerno na mga requirements kayat inatasan nito ang DOLE na gawing simple ang proseso para hindi mahirapan ang mga OFWS.
Kasabay nito nangako si Pangulong Duterte sa mga OFWS na bigyan siya ng tatlong taon para maiayos ang bansa kasabay ang pagtiyak na hindi niya papayagang mamayagpag ang katiwalian sa kanyang administrasyon.
By: Aileen Taliping