Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang tutuparin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang karamihan sa mga ipinangako nito.
Ito ang lumalabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa noong March 25 hanggang 28.
Ayon sa SWS, 52% ng mga respondents ang naniniwalang tutuparin ni Duterte ang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.
Labimpitong porsyento (17% ) sa mga ito ang naniniwalang tutuparin ng Pangulo ang lahat o halos lahat ng mga ipinangako nito at 35% naman ang nagsabing karamihan sa mga nasabing pangako ay kayang tuparin ng Pangulo.
Apatnapu’t dalawang porsyento (42%) naman ang nagsabing kaunti lamang sa mga pangako ng Pangulo ang matutupad habang limang (5) porsyento ang nagsabing wala o halos walang matutupad sa mga ipinangako ng Punong Ehekutibo.
Ang bilang ng mga nagsabing naniniwala silang matutupad ng Pangulong Duterte ang mga pangako nito ay bahagyang bumaba sa first quarter ng taong ito.
By Judith Larino
52% ng Pinoy tiwalang matutupad ang mga pangako ng Pangulo was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882