Nagbabala ang isang international economic analyst na maaaring malubog sa utang ang Pilipinas dahil sa 8.2 trilyong pisong ‘Dutertenomics’.
Sa pamamagitan ng kanyang artikulo sa Forbes Magazine, sinabi ni Anders Corr na maaaring malagay ang Pilipinas sa tinatawag na virtual debt bondage kung itutuloy nito ang naturang mga proyekto.
Aniya,pinakamakikinabang dito ay ang China na siyang inaasahang panggagalingan ng pinakamalaking pondong gugugulin sa infrastracture project ng gobyerno.
Mula sa 123 bilyong dolyar na utang ng gobyerno ngayon ay maaari itong lumobo sa 290 bilyong dolyar hindi pa kasama ang interes na ipapataw dito.
Sa pagtataya ni Corr, sa sampung (10) posyentong interes rate na ipapataw ay posibleng umabot pa sa 452 bilyong dolyar sa paglipas ng panahon bukod pa ang iba pang utang mula sa iba pang bansa.
Kaugnay nito, kailangan na maging transparent ang Duterte administration sa papasuking kasunduan sa China dahil sa malaking epekto nito sa ekonomiya ng bansa sa susunod na mga taon.
By Rianne Briones
PH nanganganib malubog sa utang dahil sa Dutertenomics was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882