Hinihintay pa rin ng grupong Bayan Muna ang katuparan ng mga ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya.
Sinabi ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na bagamat mayroon nang unti-unting natutupad sa mga ito, inaantabayanan pa rin aniya nila, ang pangako ng Pangulo hinggil sa pagkakaroon ng independent foreign policy.
Sa kabila nito, positibo pa rin aniya, ang kanilang grupong matutupad ng Pangulo ang kanyang mga ipinangako, lalo na at papasok pa lang ang kanyang administrasyon sa kanilang unang taon.
“Meron ding mga pangako ang Pangulong Duterte na hanggang ngayon ay gusto nating makita ang linaw nito.”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Carlos Zarate
‘National ID system’
Nanindigan si Bayan Muna Representative Carlos Zarate na hindi kailangan ng Pilipinas ang national ID system.
Ayon kay Zarate, maliban sa walang katiyakan na makatutulong ito sa pagsugpo sa terorismo, hindi din ang pagkakaroon ng ID system ang susi sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan nito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Carlos Zarate
Lubha pa aniyang nakakabahala ang pagpayag ng pamahalaan na mahawakan ng isang dayuhang kumpanya ang mga personal na impormasyong hawak ng Philippine Statistics Authority o PSA, dahil sa posibleng banta sa seguridad ng bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Carlos Zarate