Nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi magiging kapalit ng kalayaan ni Janet Lim Napoles ang pagiging state witness nito sa planong reinvestigation sa PDAF Scam.
Tiniyak ni Aguirre na sakaling tumayong state witness ng gobyerno si Napoles, hindi maaapektuhan sa gagawing reinvestigation ang kinakaharap na plunder at graft cases nito sa Sandiganbayan.
Mali anya ang paniwala ng ilan na otomatikong palalayain si Napoles kapag pumasok na ito bilang state witness sa Witness Protection Program ng DOJ.
Sinabi pa ni Aguirre na anuman ang magiging resulta ng kanilang planong reinvestigation ay idudulog naman nila ito sa Office of the Ombudsman.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo