Isinailalim na sa state of emergency ang Sanaa, Yemen dahil sa cholera outbreak.
Tinatayang dalawanlibo animnaraan (2,600) na ang nagkakasakit kabilang ang halos isandaan dalawampung (120) namatay sa simula noong Abril 27.
Ayon sa Health Ministry ng Yemen, isa ng seryosong problema ang cholera outbreak lalo’t mahigit walong libo limandaang (8,500) hinihinalang kaso ng nabanggit na sakit ang naitala sa labing-apat (14) na lalawigan.
Pinangangambahang magsiksikan sa mga ospital ang tinamaan ng cholera kaya’t nangangailangan na ng international aid ang Yemen.
Isa sa mga dahilan ng paglala ng sitwasyon ang nagpapatuloy na bakbakan na naging sanhi pagkaputol ng water supply.
By Drew Nacino
Sanaa Yemen nasa state of emergency dahil sa cholera outbreak was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882