Ibinalita ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa labindalawang (12) milyong bagong trabaho ang inaasahang magbubukas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kasabay ng Golden Age of Infrastructure ay inaasahan ding magiging golden age of jobs, jobs, jobs ang liderato ng Pangulo.
Tiwala si Bello na hindi lamang problema sa unemployment ang mareresolba nito kundi pati na rin ang layunin ng Pangulo na mapauwi na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo at dito na lamang mag-hanapbuhay sa bansa.
Iginiit naman ni Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na magandang mapauwi sa bansa ang mga OFW at Pilipinas mismo ang makinabang sa technical skills na mayroon ang mga ito.
By Ralph Obina
12 milyong trabaho magbubukas sa loob ng 6 taon—DOLE was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882