Binalewala ng pamunuan ng House Committee on Justice ang banta ni Congressman Gary Alejano na iakyat sa ICC o International Criminal Court ang kaso laban sa Pangulong rodrigo Duterte.
Ayon kay Congressman Reynaldo Umali, chairman ng komite, malaya si Alejano na isulong ang kanyang mga paniniwala.
Gayunman, hindi aniya magpapagamit ang Kamara sa kahit na sinumang gustong manira sa Pangulo sa pamamagitan ng isang walang silbing reklamo.
Una nang ibinasura ng komite ni Umali ang impeachment complaint laban sa Pangulong Duterte na inihain ni Alejano.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali
Samantala, tanging sa ICC o International Criminal Court na lamang puwedeng habulin ang Pangulong Rodrigo Duterte para papanagutin sa mga di umano’y kasalanan nito sa bayan.
Ipinaliwanag ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na nabasura na impeachment case na siyang natatanging paraan upang mapa panagot ang isang Pangulo sa kanyang mga pagkakasala dito sa Pilipinas.
Ayon kay Alejano, bagamat hindi niya ikinagulat ang pagbasura ng House Committee on Justice sa inihain niyang impeachment complaint, hindi naman niya inakala na ganun kabilis at hindi na idinaan sa tamang proseso ang pagdinig.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali